7-anyos na totoy patay sa HIV-AIDS– DOH

ISANG pitong-taong gulang na batang lalaki ang kauna-unahang namatay dahil sa HIV/AIDS infection ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa HIV/AIDS Registry, na ipinalabas ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), nabatid na ang paslit ay nahawa lamang ng sakit mula sa kanyang ina noong nasa sinapupunan pa lang siya nito.

Ayon kay Dr. Eric Tayag, head ng DOH-NEC, ang paslit ay naiulat na may full-blown AIDS na nitong Enero, 2012 at namatay rin sa nasabing buwan.

Kaugnay nito, iniulat ng DOH na nakapagtala sila ng 212 bagong kaso ng sakit nito lamang buwan ng Enero.

Ito ay mas mataas ng 39 porsiyento kumpara sa 152 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong taong 2011.

Karamihan sa mga bagong kaso ay mga lalaki o 96% at nagkaka-edad ng pito hanggang 56 taong gulang.

Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR) na umabot ng 123 kaso (58%).

Ang mode of transmission ng nakamamatay na karamdaman ay sexual contact (208 kaso), needle sharing ng mga taong gumagamit ng drugs (3) at mother-to-child transmission (1).

Ang karamihan o 208 ng bagong kaso ay asymptomatic pa ng maiulat habang apat naman ang full-blown AIDS na nang mai-report sa DOH.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DOH na lalo pa nilang pinaigting ang kampaniya laban sa nakamamatay na sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply