Pitong carnapper arestado

NADAKIP ang pitong carnapper matapos tangkaing ibenta ang kinarnap na tricycle sa Caloocan City kahapon (Miyerkules, Pebrero 29).

Nakilala ang mga suspek na sina Sammy Dumlao, 29; Bryan Madrical, 18; Patrick Brasas, 18; Ronald Bautista, 18; Jonathan Repollo, 18; Clinton Inanod, 17 at Edgardo Repollo, 17.

Sa ulat, ipinarada ng biktimang si Cecilio Paroca, 46, ang kanyang tricycle sa tapat ng kanilang bahay sa Capitol Parkland, Camarin ng lungsod subalit nang tingnan dakong alas-5:00 ng madaling araw, kinabukasan (Pebrero 29) ay wala na.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at dakong ala-1:30 ng hapon ay natunton ang mga suspek habang inaalok ang tricycle ng biktima sa San Francisco Homes, San Jose Del Monte, Bulacan.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang dakmain ng mga pulis kung saan nabawi ang tricycle ni Paroca.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply