7 siyudad sa PHL umabante sa New 7 Wonder Cities search

UMABANTE ang pitong siyudad ng Pilipinas sa “qualification phase” ng ginaganap na “New 7 Wonders Cities search.”

Ang pitong siyudad ay kinabibilangan ng Vigan City, Cebu City, Davao City, Iloilo City, Cagayan de Oro City, Bacolod City at Parañaque City.

Ang pitong nabanggit na siyudad ang napili mula sa 16 siyudad sa “nomination phase” ng kompetisyon noong Enero 7 hanggang Marso 7 ng kasalukuyang taon.

Makakalaban ng pitong siyudad ang mahigit 300 siyudad mula sa iba’t ibang bansa.

Sisikapin ng Pinas na mapabilang sa 77 lungsod na iaangat sa “shortlist phase” na gaganapin sa Nobyembre 23 hanggang Disyembre 6, 2012.

Sa 77 siyudad pipili ang mga hurado ng New 7 Wonders Cities ng 28 “official finalist candidates.”

Tatlong botohan pa ang gaganapin sa “finalist phases” sa pagitan ng Dis. 7, 2012 – Dis. 6, 2013 at ang bilang ng finalist ay tuluy-tuloy na mababawasan, mula 28 tungong 21 hanggang maging 14 na lang.

Idedeklara ang magiging New 7 Wonder Cities sa Disyembre 7, 2013.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply