7 todas sa diarrhea outbreak sa Lanao del Norte

PITO katao ang namatay sa diarrhea outbreak sa Salvador town sa Lanao del Norte, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayon.

Sa kanilang ulat kaninang alas-7:00 ng umaga, sinabi ng NDRRMC na may 43 katao ang naapektuhan ng sakit at 18 dito ay nakaratay sa iba’t ibang ospital para sa kaukulang medical attention.

“Ang sanhi ng outbreak ay ang tubig na mula sa Maranding River,” pahayag pa ng NDRRMC.

Kinilala ng NDRRMC ang pitong biktima na sinasabing namatay dahil sa matinding dehydration o kakulangan ng tubig sa katawan, na sina Arsa Ampaso Tomanto, 48-anyos, Barangay Calimodan, Lanao del Norte; Rocon Ayonan, 60; Tomie Angco, 50; Baliling Pendatun, 1; Norhasim Acod, 11 months old; Nasib Ampaso, 7 months old; at Paisah Ampaso, 1-anyos.

Sinabi ng NDRRMC na ginamot naman agad ng mga tauhan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga naapektuhang residente.

Nagkasa na rin ng water sampling para sa laboratory testing.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply