749 dayuhan sa Davao bigong magsumite ng annual report sa BI

BIGO ang 749 na dayuhan na namamalagi sa Davao region na magsumite ng kanilang annual report para sa taong 2012, ayon sa datos ng Bureau of Immigration (BI).

Batay sa datos mula sa Immigration Regulation Division (IRD), umabot lamang sa 2,682 mula sa kabuuang 3,359 na dayuhan sa buong rehiyon ang nakuhang magpatala noong Enero 3 hanggang Marso 5, 2012, alinsunod sa umiiral na batas na Alien Registration Act of 1950.

Sa ilalim ng nasabing batas, kailangang personal na magtungo sa tanggapan ng kawanihan ang isang dayuhang hindi tourist visa ang hawak, upang magpatala sa loob ng 60 araw simula ng bagong taon.

Sa kabuuan, umaabot sa mahigit 100,000 dayuhan na may hawak na immigrant at non-immigrant visas ang namamalagi sa Pilipinas at mayorya sa mga ito ay Korean nationals.

Magsasagawa rin ng imbentaryo ang kawanihan sa mga dayuhang hindi nakuhang magpatala sa tanggapan.

Gagawa rin ng kaukulang hakbang ang kawanihan upang alamin kung bakit nabigo ang mga dayuhang namamalagi sa Pilipinas na magpatala.

Sa ilalim ng batas, kailangang magbayad ng P200 kada buwan bilang multa ang sinumang dayuhan na bigong magsumite ng kanilang annual report sa itinakdang panahon.

Posible rin na ipatapon ang dayuhan dahil maikokonsidera silang undesirable alien sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply