78 ecotourism sites sa Pilipinas tutukuyin

KUNG sakaling maaprubahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang nakakasang panukala, mahigit sa 78 eco tourism sites ang nakatakdang ideklara na makatutulong upang maiangat pa ang tourism industry sa bansa.

Bukod sa tutukuying magagandang lugar pasyalan, may mga programa na rin ang pinasimulan ng ahensiya para makaengganyo ng mga turista na magpunta sa Pilipinas.

Kabilang sa mga ito ang “open pocket skies policy” na magpapaluwag sa pagpasok ng ibang airline carriers sa bansa at pagpapaganda sa mga paliparan sa Kalibo, Caticlan, Puerto  Princesa, Lguindingan sa Cagayan de Oro at Clark sa Pampanga.

Puspusan na rin ang pagtatrabaho ng pamahalaan para maibalik sa Category 1 status ang aviation system mula sa US Federal Aviation Authority (USFAA).

Nauna nang target ng pamahalaan ang pagpasok ng 10 million turista sa Pilipinas sa 2016.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply