9-anyos tigok sa .45 boga ng tatay sa Butuan

HINDI sinasadyang napatay ng kanyang ama ang isang siyam-na-taong gulang na batang babae matapos na aksidenteng pumutok ang nililinis nitong baril sa Butuan City kahapon (Marso 22).

Sa ulat, naganap ang insidente bandang alas-7:00 kagabi sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Purok 9, Sitio Sta. Cruz, Barangay Manila de Bugabos sa lungsod ng Butuan.

Nakilala ang biktima na si Jelly Jane Ranoco habang ang suspek ay si Romeo Ranoco, 39, isang magsasaka.

Napag-alamang kasalukuyang nasa kusina ang ama at nililinis nito ang kanyang kalibre .45 na pistola nang kanya itong naikasa hanggang aksidenteng pumutok.

Tumagos ang bala nito sa dingding ng kanilang bahay na tumama naman sa dibdib ng kanyang anak at tumagos sa likurang bahagi nito.

Dinala pa niya ang biktima sa ospital ngunit idineklara na itong dead-on-arrival ng attending physician.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply