9 ‘biktima’ ng human trafficking nasagip

SIYAM na hinihinalang biktima ng human trafficking ang nasagip ng Philippine Coast Guard habang lulan ang mga ito ng isang barko sa Zamboanga City.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang PCG mula sa Visayan Forum Foundation na lulan ang mga biktima sa MV Trisha Kertin-2 na nakadaong sa Zamboanga City Port habang naghihintay ng biyahe patungo sa Sandakan, Malaysia via Bongao, Tawi-Tawi.

Dahil dito, nagsagawa agad ng mandatory pre-departure inspection ang PCG at nadiskubre ang siyam katao na walang kaukulang dokumento.

Ang siyam ay kinilala na sina Roxanne Cantillan, Rosie Omadiao, Marlon Cantillan, Jeanneth Untalan, Maeflor Gallardo, Carmelita Gallardo, Roger Villanueva, Arlene Villanueva at Rubelyn Anievie.

Inamin naman ni Anievie na nirekrut sila upang magtrabaho sa Sandakan, Malaysia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply