9 sea turtle natagpuang patay sa Palawan

NATAGPUAN ang siyam na sea turtle sa isang inabandonang fishing net sa Langoy Island, Araceli, Palawan, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG Spokesman Lt. Commander Algier Ricafrente, coast guard spokesman, nagsasagawa ng retrieval operation ang ahensya at ilang lokal na pulisya sa inabandonang pangisdang lambat sa nabanggit na lugar matapos makatanggap ng report noong Martes (Marso 6).

Ngunit sinabi ni Ricafrente, na nadiskubre nilang patay na ang siyam na sea turtle.

“Eight of the sea turtles were left behind since it was under the state of decomposition and one was seized together with the fishing net,” ayon kay Ricafrente.

Itinurn-over naman sa awtoridad ang mga patay na sea turtle para sa safekeeping at proper disposition.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply