Abogado tinalo pa ang mga senador

SINO ba naman itong isang abogado sa Senado na tinalo pa ang mga mambabatas dahil sobrang arte, pakiyeme at pa-importante pa na feeling sobrang haba ng kanyang hair.

Sa sumbong na ipinaabot kay matang kuwago ng Remate, kailangan pang akyatin at tawagan ang naturang abogado ng mga miyembro ng media makakuha lang ng istorya at impormasyon na may kinalaman sa isang isyu.

Biruin mo sa halip na siya ang bumaba sa press office upang doon magpa-interview at mag-briefing dahil sa iyon ang kanyang trabaho, ang  media pa ang pinaaakyat sa kanyang tanggapan.

Ang kaartehan at kakemihan ng abogadong ito ay kunwaring ayaw magpa-interview kapag nakakita ng media pero kwidaw ka dahil uutusan nito agad ang kanyang staff na linisin at ayusin ang kanyang magulong lamesa.

In fairness, magaling naman sumagot sa mga tanong ang naturang abogado subalit may ugali lang talaga itong hindi kanais-nais.

Ang nakatatawa nito mayroon siyang gamit na titulo na spokesperson kuno pero ayaw namang magpa-interview.

Halos ilang buwan din siyang kakailanganin ng miyembro ng media dahil sa kanyang mahalagang papel sa isang malaking isyu ng bansa.

Kung babae o lalaki ang naturang abogado bahala na kayong humusga.

Clue: Bagong talaga lang ito.

Mayroong letrang A sa kabuuan ng kanyang pangalan as in akala mo artista at model siya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply