Aborsyunista huli sa entrapment operation

HULI sa entrapment operation ang 75-anyos na aborsyunista matapos na magpanggap na magpapalaglag ang isang buntis na pulis sa South Cotabato, ayon sa ulat ng pulisya ngayon (Marso 22).

Kinilala ang suspek na si Leonora Gamboa, residente ng Barangay Bukay Pait, Tantangan, South Cotabato.

Nabataid na nagpanggap na kostumer ang isang pulis na babae na ilang buwang buntis.

Ayon kay P/Insp. Dario Calatraba, deputy chief ng Tantangan PNP, matagal na nilang minamanmanan ang nasabing matanda dahil sa mga report na dinadayo ito ng mga babae na nais magpalaglag at karamihan ay mga estudyante.

Dahil dito, naglunsad ng entrapment operation ang Tantangan PNP at doon nahuli ang suspek.

Napag-alaman na 35 taon na umanong nagsasagawa ng aborsyon ang matanda sa halagang P4,000 lamang at karamihan sa mga kostumer nito ay mga estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply