Aborsyunista laglag sa parak sa Caloocan

LAGLAG ang isang aborsyunista at ang kanyang ahente sa isinagawang entrapment operation sa bahay ng una makaraan mamatay ang dalagang naging pasyente nito sa Caloocan City kagabi (Marso 30).

Nakilala ang aborsyunista na si Catalina Garcia-Jose, 88, ng Phase 2, Bagong Silang ng lungsod at ahente nitong si Rosalinda Dimaculangan, 56, ng VMN cmpd., Potrero, Malabon City.

Nabatid na apat na buwang buntis ang biktimang si Jorgia Marjorie Macabasag, 18, ng Bisig ng Kabataan at nagpasiyang ipalaglag ang sanggol matapos makilala si Dimaculangan.

Kasama ang nobyo, dinala ni Dimaculangan ang biktima sa bahay ni Catalina at nagkasundong ilalag ang fetus kapalit ng P4,000 noong Marso 25, 2012.

Nalaman lang ng mga magulang ng biktima ang pangyayari matapos himatayin ang dalaga na naging dahilan upang dalhin sa Fabella Hospital bago inilipat sa Jose Amang Rodriguez
Memorial Hospital noong Marso 28, 2012 subalit namatay kinabukasan.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang mga magulang ng biktima hanggang sa magsagawa ng entrapment alas-7:00 kagabi sa bahay ni Catalina.

Isang pulis na babae ang nagpanggap na magpapalaglag at nang uumpisahan na ay nagpasukan na sa bahay ang iba pang pulis.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang dambahin ng mga pulis.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang mga gamit sa abortion.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply