Acquittal ni Corona walang puwang- Palasyo

WALANG puwang ang acquittal ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona na patuloy na ginigisa ngayon sa impeachment trial.

Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, mabigat ang ebidensiyang ipinrisinta ng prosekusyon sa Senado.

Bukod dito, sinabi pa rin ni Valte na sa mga naging pahayag ng punong mahistrado sa media interviews ay hindi pa nito naipapaliwanag ang mga discrepancy sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

“Hindi po nasasagot talaga ay ‘yung discrepancy sa kanyang SALN. The discrepancy between the assets that were declared and not only for 2010—this starts from 2002 pa po ‘yan mula po [nang] siya’y naupo bilang mahistrado ng Korte Suprema at ‘yung mga lumalabas pong pag-aari niya,” ani Valte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply