Adik nang-hostage, sugatan sa pulis

SUGATAN ang 33-anyos na drug addict nang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis habang hostage nito ang sariling pamangkin sa Taguig City kagabi (Marso 8).

Unang isinugod sa Taguig-Pateros District Hospital ang suspek na si Ruel De Jesus, residente ng 25 Pulong Kendi, Sta Ana bago inilipat sa Philippine General Hospital (PGH) sanhi ng tinamong tama ng bala sa kamay at bahagi ng katawan.

Ligtas at hindi naman tinamaan ng bala ang 13-anyos niyang pamangkin na si Nicky Abad na mahigit 20-minuto ring nabingit ang buhay matapos gawing hostage ng suspek habang nakikipagpalitan ng putok sa mga pulis.

Sa tinanggap na ulat ni Taguig City Police chief Sr. Supt. Tomas Apolinario, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at kanyang amang si Roberto ‘Obet” de Jesus matapos sitahin ng matanda ang anak dahil sa patuloy na paggamit ng iligal na droga, na naganap dakong alas-11:00 ng gabi.

Sa tindi ng bangayan ng mag-ama, kinuha umano ng suspek ang kanyang baril at kaagad na pinutukan ang ama na masuwerteng hindi nahagip ng bala at mabilis na nakatakbo palabas ng bahay.

Nakahingi kaagad ng tulong sa mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 6 ng Taguig police ang matanda subalit bago pa man nila madakip ang suspek ay nahablot na nito ang pamangking si Nicky na kanyang ginamit bilang hostage.

Ayon kay Sr. Supt. Apolinario, hinimok ng kanyang mga tauhan ang suspek na sumuko ng mapayapa subalit dahil sabog sa droga, pinili pa umano nitong paputukan ang mga pulis kaya’t napilitan na rin ang mga awtoridad barilin ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply