Admiral’s guest house (Part II)

ISA pa raw, sige nga!

Ang sabi umano ng National Historical Commission (NHC) ay hindi ma-establish ang pagiging historical ng Admiral’s Guest House na nasa loob ng ngayo’y Subic Bay Freeport na dating Naval Base ng mga Amerikano.

Bakit? Wala daw record?!!!

Anak ng bakang bakla naman, paano mawawalan ng record iyan eh in-turn-over nga ng mga Kano sa Pilipinas noong 1992 nang isara ang pinakamalaking base naval ng U.S. sa labas ng U.S. mainland noon.

Ito Ang Totoo: Nasubaybayan natin ang kasaysayan tungo sa pagsasara ng U.S. Naval Base hanggang maitatag ang Subic Bay Freeport sa ilalim ng pamamahala ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kaya alam natin na hindi maaaring walang record iyan.

Nasa ABS-CBN DZMM na tayo noong umalis ang mga Amerikano pero bukod sa taga-Olongapo, naging manggagawa rin tayo sa Public Works Center ng U.S. Naval Base noon bago tayo pumalaot sa larangan ng
pamamahayag.

Kaya alam natin na matindi ang dokumentasyon ng mga aktibidad, bagay, infrustruktura, etc. kapag may transaksyon ang mga Amerikano.

Bukod dito, anomang may edad 50 o mas matanda pa, pwera tao, ay kandidato na sa pagkakaroong ng historical value at/o kaya’y sa pagiging historical site, alam iyan ng mga taga NHC.

Kaya ang kawalan ng pagtutol o paninindigan ng NHC sa Paggiba sa Admiral’s Guest House na nakatayo na bago pa dumating at umalis ang mga Hapon bunga ng World War II ay labis na kaduda-duda kahit na hindi likas na dudero o dudera.

May kinalaman ba dito ang pagiging miyembro noon ni Jimmy Lorenzana alyas JLo ng SBMA Board of Directors?

Ito Ang Totoo: maraming nakahandang magbayad ng upa sa lupa, gusali at iba pa na gustong kumuha sa Admiral’s Guest House para tayuan ng negosyo pero tinanggihan.

Pero noong nakaupo si JLo sa SBMA board na pinamumunuan nina Chairman Felilciano Salonga at Administrator Armand Arreza, hindi lang binalewala ang historical value ng Admiral’s Guest House, ibinigay pa ito nang LIBRE sa pamilya ni JLo, na pamangkin at alalay sa City Hall ngayon ni Olongapo City Mayor Bong Gordon.

Limang porsiyento (5%) lang ng kita kada taon ang ibibigay sa SBMA, kung may idedeklarang kinita ang itinayong hotel at restaurant, ng Olongapo Arts Cultural Restoration, Inc. ng mga Lorenzana.

Paano hindi magkakandalugi ang SBMA kung ganito ang mga kundisyunes
ng mga nagnenegosyo sa Freeport?

Dalawa ang dapat umaksiyon dito: ang National Historical Commission at ang bagong SBMA board.

Isa lang ito sa mga historical sites at parks na milagrong kinokomersiyo ng mga pribadong negosyo na hindi naaayon sa batas kaya ating tinututukan para na rin magsilbing daan upang magising ang mamamayan sa mga pagsasamantala ng ilan diyan at siyempre, ang pagiging inutil ng kung sino naman. Ito Ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebookhttp://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/1438762090 55760

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply