Admiral’s guest house sa Subic giniba

MARAMING bagay ang lalong nagkakahalaga habang lumuluma.

Kabilang na rito ang mga gusali o istraktura lalo pa’t naging tampok sa sariling nakaraang panahon.

Sa Subic Bay Freeport Zone (SBFZ), na kung tawagin ng mali ng marami ay SBMA (Subic Bay Metropolitan Authority), ay marami nito. Halimbawa na ang Spanish Gate na dati’y naghihiwalay sa base naval ng mga Espanyol at komunidad ng mga Filipino.

Nakatayo pa rin ang maliit na bahagi nito sa may Samson Road.

Panahon na ng Amerikano nang itayo pero makasaysayan pa rin ang Blaine Theatre sa may kahabaan ng Dewey Avenue na sa kasawiang palad, ginawang Subic Bay Arts Center (SUBAC) kuno ng nakaraang administrasyon ng SBMA pero ginawang massage parlor pala, among others, at ngayon ay okupado naman nang libre ni Ms. Mina Gabor para eskuwelahan din daw. Opo, libre, walang bayad, gratis, etc.

Ito Ang Totoo: ang pinakalumang istrakturang buo pa sana sa Subic Bay Freeport Zone ay ang Admiral’s Guest House sa may kahabaan din ng Dewey Avenue.

Ito ang Camilla Simpson Hospital na noo’y U.S. Subic Naval Base na paglaon ay ginawang quarters ng pinakamataas na opisyal ng Navy sa lugar pero paglipas pa ng mga panahon ay ginawang tuluyan ng mga bisita kaya nga tinaguriang Admiral’s Guest House. Pag-alis  ng mga Amerikano noong 1992, ginawa itong “function house” ng SBMA na ayos na rin sana.

Ito ang hindi ayos: nang maging director ng SBMA si Jimmy Lorenzana, himalang nakuha ng kanyang pamilya ang Admiral’s Guest House.

At hindi pa nagkasya, pati ang Tappan Park na dating plaza ng komunidad ng mga Pinoy na inilikas ng mga Amerikano palabas ng ba-gong gate nang palawakin ang teritoryo nito, ay tila ba-hagi na rin ng sinakop nina Lorenzana.

Kung inokupahan at priniserba, pwede pa rin siguro sana pero sina Lorezana, giniba ang orihinal na istraktura, pati ang Bell Tower na isa nang sagisag sa Subic, ay hindi pinatawad maitayo lang ang negosyong hotel at restaurant.

Hindi nagtagal bilang SBMA director si Jimmy Lorenzana, na pamangkin at alalay ni Olongapo City Mayor Bong Gordon, sa dahilang susmaryosep (next time), pero sapat na ang maikling panahon para makuha nila ang Admiral’s Guest House na ipinagiba pa, walang paki sa sinasagisag ng istrukturang naging saksi sa maraming kaganapan ng kasaysayan sa Subic.

Ang masaklap dito: ayon sa mga nakita nating dokumento, wala namang upa, libre rin, parang eskuwelahan, ang kumpanya ng pamilya ni Lorenzana sa lupang dating kinatatayuan ng Admiral’s Guest House.

Limang porsiyento (5%) lang ng kita ng hotel at restaurant, kung may idedeklarang kita, kada taon, ang mapupunta sa SBMA, gawa na naman ng dating SBMA administration.

Ang magiging aksyon ng kasalukuyang board sa pamumuno ni Chairman & Administrator Roberto V. Garcia sa mga nakasusulasok ng kondisyon ng pagnenegosyo ng marami sa Freeport kaya nagkakanda lugi ito ay sasalamin kung sila’y tumatahak rin sa sinasabi ni Pangulong Noynoy Aquino na “Tuwid na Daan.”

Pero ang ipinagtataka natin, ano ang ginagawa ng mga miyembro ng National Historical Commission? Nakatunganga at kukuya-kuya-koy lang sa kani-kanilang mga opisina? Kung wala kayong magawa at ni hindi makapagsalita sa mga lan-tarang pananalanta sa mga dapat sanay pinipreserbang mga bagay, istruktura at iba pa na bahagi ng ating kasaysayan at kultura, magsipag-resign na kayo. Ito Ang Totoo.

***

Hinihintay natin ang aksyon ng Commission on Higher Education (CHED) sa problema ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang sa napipintong pagsasara ng STI College Olongapo.

Marami ang maaaring matigil sa pag-aaral kung ang tanging alternatibo ay ilipat sila sa mga STI sa Pampanga at Bataan dahil sa karagdagang gastos, pu-wera pa ang abala at panganib sa mahabang biyahe araw-araw. Ito Ang Totoo.

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 09994001162 o sa Facebookhttp://www.facebook.com/pages/

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply