AFP ‘di nababahala sa anibersaryo ng NPA

NAGPAHAYAG ngayon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi sila lubusang nababahala sa anibersaryo ng New People’s Army (NPA) na nakatakdang iselebra ng mga rebeldeng komunista bukas (Marso 29).

Ayon kay AFP chief, Lt. General Jessie Dellosa, kanila nang ipinauubaya sa mga field at ground commander ang desisyon kung dapat na silang magtaas ng red-alert status sa kanilang nasasakupang lugar.

Sabi pa ni Dellosa na hindi sila nababahala na dahil lalong humihina na ang puwersa nang NPA at bumaba na ng mahigit sa 300 ang bilang ng naturang rebeldeng grupo.

Pero nagbigay pa rin si Dellosa ng paalala sa mga sa kasundaluhan na maging handa lalo na at batay sa datos ay may mga pag-atake at panggugulo ang mga rebeldeng grupo bago pa man sumapit ang kanilang anibersaryo.

Sa ilalim ng red alert status, lahat ng mga sundalo ay inatasan na mag-report sa duty para palakasin ang puwersa nito.

Naka-standby lamang ang kasundaluhan sakaling kailanganin ng kapulisan ng dagdag na puwersa para sa pagbibigay seguridad sa mamamayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply