AFP naghahanda sa NoKor missile launch sa Abril

NAGHAHANDA na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay ng satellite missile launch ng North Korea sa Abril. Ito ang Kinumpirma ngayon ng Malakanyang.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bahala na rin ang AFP sa pagtugon at magsalita sa isyu kung kakailanganin.

Ang AFP din aniya ang bahala sa kung anong dapat na gawin gaya ng kinauukulang koordinasyon sa mga kaalyadong puwersa tulad ng Estados Unidos.

Maaalalang inihayag ng Estados Unidos na maaaring sa bahagi ng Pilipinas, pati na sa Australia at Indonesia bumagsak ang rocket ng nasabing satellite.

Una na ring nagpahayag ng mariing pagtutol ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa nasabing hakbang ng Pyongyang.

Samantala, bagamat tutol sa pagdaragdag ng mga tropa sa bansa si Sen. Miriam Defensor Santiago, ay sinuportahan naman niya ang pagsama ng Pilipinas sa mga dumulog sa United Nations Security Council kaugnay sa usapin.

Aniya, ito ang tamang lugar para maayos ang nasabing problema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply