AFP sa Malaysian authority: Patunayang buhay pa si Marwan

HINILING ng Armed Forces (AFP) sa Malaysian police na maglabas ng ebidensya upang mapatunayan na buhay pa ang Malaysian terrorist at miyembro ng Jemmah Islamiah na si Zulkifli bin Abdul Hir alyas Marwan na napatay noong Pebrero sa Jolo, Sulu.

Si Marwan ay ang kasalukuyang most wanted ng Federal Bureau of Investigation (FBI) at may mayroong patong na US$5 million sa ulo.

Ayon sa spokesman ng AFP na si Colonel Arnulfo Burgos, maninindigan sila sa kanilang pahayag na isa si Marwan sa mga napatay sa isinagawang air strike ng militar noong Pebrero sa Jolo, Sulu.

Aniya, sa kabila ng kawalan ng militar ng pisikal na ebidensya ay maaasahan ang intelihensiya ng AFP na tumukoy kay Marwan.

Inaantay na lamang daw ang resulta ng DNA tests na ginawa sa Amerika mula sa mga naiwang parte ng katawan ng mga napatay na terorista.

Magugunitang, nagpahayag ang Malaysian police na batay sa kanilang intelihensiya, buhay pa at malubhang nasugatan lang ang Malaysian terrorist na nagtatago sa Jolo Island.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply