Agawan sa anak, misis sinaksak ni mister

KRITIKAL ang isang ginang nang pagsasaksakin ng kanyang kinakasama matapos mag-agawan sa pangangalaga ng kanilang anak kagabi sa Pasay City.

Ang biktima na nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital bunga ng tatlong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay si Mylee Martinez, 22.

Napag-alaman sa imbestigasyon  ni Chief Inspector  Joey Geofort, ang insidente ay naganap dakong 10:30 kagabi sa tabi ng Pasay City Public Market, Libertad St., nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang mag-live-in partner ay kapwa scavenger at nagpapagala-gala sa lungsod nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima sa kanyang kinakasama na kinilala lamang sa alyas “Pakamarag” tungkol sa kanilang isang taong gulang na anak.

Pilit na kinukuha ng suspek ang bata subalit ayaw ipagkaloob ng ginang na naging dahilan para saksakin ng tatlong beses ang ginang at nakuha ang bata.

Pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply