Agnas na bangkay ng dalagita narekober

POSIBLENG ginahasa muna bago pinatay ang isang dalagita na natagpuan ang naaagnas nang bangkay sa isang sapa sa Tagkawayan, Quezon province, sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report, isasailalim sa medico-legal examination ang bangkay ng high school student na si  Hejeia Mae Floriano, 15, ng Bgy. Casistalan ng nabanggit na bayan makaraang matagpuan na nasa state of decomposition na.

Sa impormasyong ibinahagi ni PO2 Nestor Lantin ng PNP-Tagkawayan tatlong araw na umanong nawala ang dalagita bago natagpuan ng mga residente sa tabi ng isang sapa sa madawag na bahagi ng lugar.

Hinala ng awtoridad na ginahasa muna bago pinatay ang biktima.

Nakuha sa tabi ng biktima ang isang diary kung saan nakasaad na ilang gabi nang may kumakatok sa kanilang bahay.

Nabatid na hiwalay na ang mga magulang ni Floriano kung kaya nag-iisa lamang ito sa kanilang bahay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply