Aguila Auto Glass, 6 na dekada na

BILANG paggunita sa kanilang ika-60 taong anibersaryo, ang Universal Glass Co.,Inc.o UGCI ay nagsagawa ng isang pagdiriwang ilang linggo na ang nakakaraan sa La Mesa Ecopark.Ang  UGCI ay ang nagmamay-ari ng nangungunang automotive glass manufacturer sa bansa—ang Aguila Auto Glass.

Simula noong 1952, ang Aguila Auto Glass na ang numero unong takbuhan ng mga tao pagdating sa pagpapagawa ng mga windshield, backglass, doorglass, at iba pang car parts na glass o salamin ang materyal.

Ilan lamang sa mga kilalang car brand na naging kliyente na ng Aguila Auto Glass ay ang Porsche, BMW at Mercedes-Benz. Karamihan din sa mga windshield ng mga bus at trak dito sa Maynila ay gawang-Aguila Auto Glass.

Halos tatlong libong (3, 000) automotive glass types ang maaaring pagpilian sa seleksyon ng Aguila Auto Glass.

Sa pagdiriwang noong nakaraang Linggo, nagtipun-tipon ang mga bossing at mga empleyado ng UGCI kasama ang ilang miyembro ng media para sa isang araw na puno ng activities. Nagkaraoon ng mala-Amazing Race na kompetisyon para sa mga dumalo, at nagpamisa rin ang UGCI upang magbigay-pasasalamat sa anim na dekada ng tuloy-tuloy at magandang negosyo.

Isa sa mga highlight noong araw na iyon ay ang pagtatanim ng mga taga-UGCI ng150 Narra trees sa isang ektaryang lupain, at nangako ang UGCI na sa loob ng tatlong taon ay palalguin at aarugain nila ang  future” forest na ito.

Mayroong 20 branches ang Aguila Auto Glass na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng buong Luzon. Maaaring magsadya sa branch na pinakamalapit sa inyo o dikaya’y tumawag sa kanilang hotline na 63-45277 (63-GLASS).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply