Aguirre patulugin ng 2 gabi sa Senado – Enrile

GIGIL si Senate President Juan Ponce-Enrile na makulong ng kahit dalawang gabi sa Senado si private prosecutor Vitaliano Aguirre makaraan ang pambabastos nito sa pamamagitan ng pagtatakip ng mga tenga habang nagsasalita si Senator-judge Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kasagsagan ng impeachment trial kahapon, Pebrero 29.

Nais ni Enrile na mabigyan ng leksyon si Aguirre nang hindi na gayahin ng iba sa harap-harapang pambabastos nito sa mga miyembro ng impeachment court.

Kahapon ay muling tumaas ang presyon ng dugo ni Santiago dahil sa ginawa ni Aguirre.

Nagpahayag din si Santiago na sinadya ni Aguirre ang pambabastos sa kanya para mapadali umano ang kanyang buhay.

Depensa naman ni Aguirre, inamin niyang tinakpan niya ang kanyang mga tenga dahil na rin sa pangmamaliit at pagmumura ni Santiago sa prosekusyon.

Ngayong araw ay humingi na ng paumahin si Aguirre sa senadora at handa aniyang tanggapin ang ano mang parusa na ipapataw sa kanya ng impeachment court.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply