Ahensiya ng pamahalaan aayuda sa maiistranded na pasahero ngayong araw

TUTULUNGAN ng ilang ahensiya ng pamahalaan ang mga maiistranded na pasahero dahil sa ikinasang transport caravan ng ilang transport group ngayong araw.

Alas-tres pa lang kaninang madaling araw ay nakahanda na ang ilang tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Capital Region Police Office (NCRPO) at ilang trak ng bumbero para sa magbigay ng libreng sakay.

Naglaan ang AFP ng 26 na military truck, anim na bus, isang towing truck at isang trak ng bumbero na ilalagay sa mga lugar na itatalaga ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ikinalat na rin ng Philippine National Police (PNP) ang 5,000 pulis upang tiyakin ang kaayusan at seguridad sa lansangan at iba pang lugar sa Metro Manila.

Nag-abiso na rin si MMDA Chairman Francis Tolentino sa mga motorista na iwasan ang EDSA southbound patungong Makati Central Business District dahil sa gagawing caravan.

Magsisimula ang caravan sa Quezon Memorial Circle na lalahukan ng mahigit 30 sasakyan, papunta sa opisina ng Shell at Chevron sa Makati.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply