Air Force helicopter bumagsak sa Agusan

BUMAGSAK ang isang Air Force Huey helicopter na naatasang magdala ng military supplies sa Kitcharao, Agusan del Norte kaninang umaga, ayon sa ulat ng mililtary.

Sinabi ni Maj. Eugenio Osias IV, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, na ang pitong sakay nito ay nakaligats sa tiyak na kapahamakan at nagtamo lamang ng minor injuries.

Ang naturang UH-1H helicopter ng Air Force Tactical Advance Command Post ay bumagsak sa Sitio Zapanta, Barangay Bangayan sa Kitcharao town pasado alas-10:30 ng umaga.

Hindi naman pinangalanan ang pitong nasugatan sa pagbagsak ng helicopter dahil uunahin munang ipaalam ang naturang sakuna sa kanilang mahal sa buhay.

Gayunman sinabi ni Osias, na ang pitong biktima ay binubuo ng isang pilot, co-pilot, dalawang crew, isang Army captain at 2 pasahero, na pawang matatag na ang kondisyon.

“This PAF (Philippine Air Force) aircraft crashed while on its mission to airlift a wounded soldier for immediate medical treatment and to deliver additional provisions to operating troops in the area,” pahayag pa ni Osias.

Hindi pa malaman kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng helicopter.

Nagkasa na ng imbestigasyon ang Air Force Tactical Operations Group (TOG)-10 sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply