Airline promos iimbestigahan ng Kamara

ISINULONG ni San Juan City Rep. Joseph Victor Ejercito sa Kamara na imbestigahan ang nakalilito at magulong gimik ng airline companies upang makahikayat ng mga pasahero na nagdudulot naman ng inconvenience at discomfort sa mga pasahero.

Sa kanyang inihaing House Resolution No. 2131,  hiniling ni Ejercito sa Kamara na imbestigahan ang mga reklamo laban sa airlines companies upang matugunan ang hinaing ng mga mananakay nito.

Giit pa ni Ejercito, dapat madaliin ang imbestigasyon upang masuri ang mga polisiya at gawain ng domestic airlines kung sinusunod pa rin ng mga ito ang umiiral na batas at alituntunin ng bansa.

Bukod dito, ang mga hindi magagandang kritisismo at reklamo laban sa alituntunin ng airline companies ay posibleng makasagabal at magkaroon ng epekto sa kampanya ng gobyerno upang makaakit pa ng mga turista at investors ang Pilipinas.

Kabilang sa mga reklamong kanilang natatanggap ay ang overbooking, pagtanggi sa boarding pass, delays at cancellation, pagtanggi sa tamang accommodation tulad ng pagkain at hotel sa tuwing mahabang oras ang delays ng flight at pagkansela gayundin ang surcharges sa rebooking ng flights, flight diversions at kabiguan na ipaalam sa mga pasahero ang dahilan ng pagkahuli ng flights at pagkansela nito.

Paliwanag ni Ejercito, nakasaad sa 1987 Constitution na dapat protektahan ang interes ng mga consumer at itaguyod ang kapakanan nito gayundin ang nakasaad sa Republic Act 7394 o mas kilala sa tawag na “Consumer Act of the Philippines.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply