Aklan airport tangkang sunugin ng may sayad

DINAKMA ng awtoridad ang isang lalaking may diperensya sa pag-iisip matapos tangkain nitong sunugin ang Kalibo International Airport, sa Aklan kagabi (Marso 14).

Sinabi ni Percy Malonesio, hepe ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Kalibo na may bitbit na patalim ang suspek nang arestuhin ito ng pulisya.

Kasalukuyan nang nakaditine sa Kalibo police lock-up cell ang suspek.

Ang naturang paliparan ay nagsisilbi bilang international direct flights sa South Korea, China at Taiwan patungong Boracay Island, na sikat sa buong daigdig dahil sa magagandang tropical island beaches.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply