Aksidente sa Balintawak: Lolo patay, isa sugatan

NASAWI ang isang lolo habang sugatan ang misis nito makaraang tumilapon mula sa kanyang minamanehong mini jeep sa northbound lane ng EDSA Balintawak kaninang madaling araw, Marso 27.

Kinilala ang biktima na si Jose Tebelin, 72, samantalang kinilala ang asawa nitong si Salome Tebelin, 74.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, galing ang mag-asawa sa Balintawak Market matapos kumuha ng panindang isda at pabalik na sana sa Novaliches nang mangyari ang aksidente sa may U-turn slot.

Sinubukan pa ng mga rescue team na lapatan ng paunang lunas ang biktima subalit hindi na nito nakayanan samantalang isinugod naman sa East Avenue Medical Center ang asawa nito.

Samantala, agad naman sumuko ang drayber ng trak na si Dennis Malig, 25, na ayon sa kanya hindi niya napansin ang pag-u-turn ng sasakyan ng mag-asawa dahil hindi gumamit ng signal ang mga ito dahilan upang mabangga niya ang puwitan nito.

Nahaharap sa kasong vehicular homicide ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply