Aksiyon ni Col. Rosauro Acio vs ‘Didal’

MABABANGIS na pagkondena ang ibinahagi ng mga Chokepoint reader tungkol sa isinulat nating larong ‘didal’ na nauuso ngayon sa mga ‘pergalan’ (perya at sugalan) sa Region 4A o CALABAR-ZON area.

At ang pinakamatinding nagbigay ng kuro-kuro ay isang police official (hindi natin babanggitin ang pangalan baka pagalitan ni Gen. Nick Bartolome) na nagkataong kilala ng inyong lingkod.

Ang opisyal na isang colonel at tawagin na lamang nating ‘Col’ ay nagmumura sa galit sa pamunuan  ni R4-A director C/Supt. James Melad at Batangas police director S/Supt. Rosauro Acio.

Bilang opisyal na nagsilbi sa iba’t ibang posisyon, sinabi niya sa Chokepoint na batid niya kung ano ang larong ‘didal’ na aniya’y isang uri ng panloloko sa mga kawawang nagiging biktima.

May mensahe rin siya sa mga kabarong opisyal ng kapulisan na may kinalaman sa operasyon ng ‘didal’ sa mga pergalan sa rehiyon. aniya, sana naman ay  matakot sila
sa kanilang mga sarili.

Ang suhestiyon ko, aniya, kina Gen. Melad at Col. Rosauro Acio ay  lusubin ang mga pergalan na nagpapalaro ng ‘didal’ dahil  ang ‘didal’ ay malinaw na holdap dahil wala namang nananalo.

Kung si ‘Col’ na kasintagal na nina Gen. Melad at Col. Acio sa serbisyo ay alam kung ano ang ‘didal’, bakit tila, ‘di alam ng R4-A leadership ang larong ito na namamayagpag sa mga pergalan sa kanilang hurisdiksiyon.

Bago tayo magsuspetsa ay siguro kumilos si Gen. Melad at Col. Acio para mahinto ang ‘didal’ games sa kanilang hurisdiksiyon.

Mga sir…ang mga pergalan na may larong ‘didal’ ay ang pergalan ni Rolly Taque sa Brgy. Dagatan, Emely Tomboy sa Brgy. Lumbang at  Brgy. Bulacnin na ang mga partner ay sina Boyet at Roda.

Ang pergalan sa Brgy. Tangub sa bayan ng Padre Garcia at sa Matabungkay, Lian at Brgy. Tabangao, Batangas City ay matindi rin daw ang larong ‘didal’.

Pergalan ni Larry sa Poblacion Sta. Teresita; at pergalan ni Manang Lawin sa Barangay Lanatan sa bayan ng Balayan.

Baka sipagin sina Gen. Melad at Col. Acio, aba’y paghuhilihin n’yo na rin sir ang kaliwa’t kanang operasyon ng tupada sa tatlong lungsod at 31 bayan ng Batangas.

Subaybayan natin ang aksiyon nina Gen. Melad at Col. Acio.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply