Aktor sa ‘100 Days To Heaven’ naaksidente

SUGATAN ang aktor sa “100 Days To Heaven” na si Neil Coleta makaraang mabangga ang kanyang kotse ng isa pang sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang umaga.

Nabatid na pauwi na ng kanyang bahay si Coleta nang maganap ang aksidente.

“They were making a right, biglaang tinamaan kami sa likod. Ang lakas talaga ng impact, tapos gusto pa nila tumakas,” anang aktor.

Lumabas pa sa imbestigasyon na ang driver ng kotse na bumangga kay Coleta ay nakainom ng alak.

“Inamin nya pa nakainom siya. Hindi dapat ganun, magdadamay ka ba ng ibang tao… Inamin naman ng driver kanina nakainom nga talaga siya.”

Agad namang nagsampa ng kasong reckless imprudence resulting in physical injury and damages ang aktor laban sa salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply