Aktor tinaggihan ng fan

GUSTO na naming paniwalaan ang mga naririnig naming tsismis tungkol sa balbong aktor na ito nasa isang malaking TV network na kesyo parati nitong iniiputan sa ulo ang kanyang girlfriend na sexy actress. Ito nga raw ang dahilan kung bakit minsan nawawala sa kanyang sarili ang huli. Pumupunta ito sa taping na bagong gising at hindi pa nakabihis, animoy tutungo lamang ito sa palengke. Inaway pa nga nito ang guwardya ng istasyon sa isang napakababaw na dahilan lamang na may kaugnayan sa kanyang PA.

Aba’y bakit nga naman di mapapraning ang sexy actress na itetch eh, mahal na mahal niya ang aktor at ang buong buhay yata niya ay nakasanla na rito tapos heto pa ang kanyang makukuha – ang kaliwain lagi ng kanyang lovey-dovey?

Napatawad na ng aktres ang pagkakaroon ng asawa’t anak ng boyfriend niya kahit masakit sa loob nito. Tutal naman tinuwaran ng papa nya ang una nitong pamilya. Tapos heto’t nasundan nang pakikipagkuyangyangan sa isang dancer at sa isang aktres at kung sinu-sino pa. Kaya umikot talaga ang tumbong ng lekat sa mga pinaggagawa ng sweetheart niya.

Simpleng ma-el pala itong bf nya. Oo, kahit sino capable itong patulan. Sabi nga, damitan lang ng pambabae ang poste ng Meralco ay titirahin na nito.

Baka ma-shock ang hitad pag nalaman niyang ultimo ang ordinaryong fan ay gusto nitong kainin, este, kanain, huh! ‘Yung kapatid mismo ng girl ang nagkwento sa amin nito. Dumalaw lang daw sa shooting ng pelikula ng aktor ang sister niya nang maispatan ni mokong. Pilit daw nitong kinukuha ang mobile number nu’ng girl. Gusto naman daw sanang ibigay agad ng girlita sa aktor ang kanyang contact number ang kaso, na feel at na-sense daw nito na iba ang motibo sa kanya ng damuho. Any moment ay baka sagpangin daw siya ng lintek. Hahahaha!

Very persistent daw talaga ang aktor sa pagkuha sa number ng fan. Sunud ito nang sunod sa huli at halos makiusap daw ito. Kaso, nakaisip ng paraan ang sis ng friend namin kung paanong makatakas sa balbonic actor kaya bigla raw itong nakahinga nang maluwag.

Ipinangako raw sa sarili ng kanyang sis, sabi ng kaibigan namin, na hindi na ito pupunta sa shooting, taping o show ng actor kailanman.

Na-discourage raw siya sa tila pagka-manyakis ng idol niya. Tatahi-tahimik lang daw ito pero matinik pala sa tsik!

Hala, hula na at your own risk! Hikhikhik!

***

Jose Manalo nagpapatawa, seryoso naman sa pambababae

GUSTUNG-GUSTO namin ang pagpapatawa ni Jose Manalo sa Eat Bulaga. Napaka-natural niya at hindi over-acting. Pero itong pambababaeng ginagawa niya ay nakadi-disappoint. Imagine, ang dami niyang anak sa asawa niya at may maliit pa tapos heto’t bigla na lang niyang tinuwaran at pumunta sa kandungan ng iba?

Nakaaawa si Annalyn Manalo, ang misis nya, nang mapanood namin ito sa The Buzz kahapon (Sunday, March 4). Siya ang asawa pero nagmakaawa sa kabit ni Jose na lubayan na ang mister nya. Tama ba naman ‘yun? Kung ibang misis baka nagsampa agad ito ng kaso sa husgado.

Sana magbago-bago na itong joker ng Eat Bulaga. Sikat siya ngayon pero baka bukas makalawa ay bigla siyang malaos kapag ang kanyang mga fans ay mahimasmasan at maisip na nang-aapi pala siya ng pamilya.

***

Nakatatakot at nakaka-el ang Corazon: Ang Unang Aswang

HINDI pa namin napanonood ang full trailer ng pelikulang Corazon: Ang Unang Aswang pero kakaiba ang naiisip naming dating nito sa movigoers. Kung pagbabasehan ang mga sinasabi ng bidang si Derek Ramsay, kombinasyon ng nakatatakot at nakaka-el ang estorya nito.

Sabi kasi niya, ang dami raw nilang sex scenes ni Erich Gonzales at kung saan-saan nila ginawa ito, meron daw sa damuhan, tubigan, putikan at batuhan. Ngunit sa kabilang banda naman, bagama’t marami nga silang syongkangan, marami rin pala ritong sakmalan. May mga nilalang dito na nakakapanindig balahibo ang itsu. Ang Aswang na si Erich kahit wala raw transformation dito ay katatakutan pa rin ng mga manonood.

Well, abangan na lang natin ang showing nito sa March 14 sa mahigit 100 theaters nationwide. Ito ay gawa ng Skylight Films at Reality Entertainment’s under Star Cinema.

***

Tambayan ng mga artista sa Iloilo

KUNG kayo ay mapunta sa Iloilo City at naghahanap kayo ng masarap na malalafangan aba’y go na kayo sa Red Paprika Asian Cuisine, nagse-serve sila ng best and famous Ilongo’s delicacies at marami pang iba, at inuming nakatitighaw ng init ng panahon. Habang lumalafang at tumatagay kayo meron pang magagandang music kayong maririnig. Manamit talaga! Ang babait pa ng may-ari, ang mag-asawang Mr. and Mrs. Melvin “Boyet” Odicta at Merriam Odicta respectively.

Kaya nga gusto na tayong papuntahin doon ni Francis Terania para masubukan na raw natin ang ipinagmamalaki nilang lugar. Ang daming artista raw ang nagpupunta roon.

Si Sir Melvin pala ay magse-celebrate ng kanyang kaarawan on March 14. Advance happy birthday bossing. Hayaan n’yo at kapag naisip naming maglamyerda punta kami dyan sa maganda nyong resto and music lounge.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply