Akyat-bahay gang utas sa niloobang negosyante

PATAY ang isang miyembro ng “Akyat Bahay Gang” nang barilin ng negosyanteng nagmamay-ari ng mga apartment na kanyang nilooban kaninang madaling-araw sa Makati City.

Isinugod pa ng negosyanteng si Armin Alviar, 30, ang suspek na nakilala sa pangalang Jaime Santos sa pagamutan pero idineklara ring patay dahil sa dalawang tama ng bala ng kalibre .40 sa dibdib.

Sumuko naman kay Supt. Jaime Santos, officer-in-charge ng Makati police ang negosyante, dala ang ginamit na lisensiyadong baril na kalibre. 40 Glock pistol na ginamit sa pamamaril.

Batay sa report ng pulisya, nakita ni Alviar ang puwersahang pagpasok ng suspek sa inuupahang apartment ni Teresa Morales sa Calhoun St., Barangay Pio Del Pilar dakong alas-5 ng madaling-araw na isa sa kanyang paupahang apartment.

Batid umano ng negosyante na wala sa naturang apartment si Morales kaya nang lumabas ang suspek na bitbit ang laptop computer, kanya na itong sinita subalit tinangka siyang saksakin ng hawak na screwdriver dahilan para kanyang barilin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply