Alalay sa bagong college grads, inihain sa Senado

NAGHAIN si Sen. Edgardo Angara ng isang panukalang batas na naglalayong alalayan ng estado ang mga bagong college graduate sa pamamagitan ng one-year exemption sa pagbabayad ng premium sa Social Security System (SSS), Pag-Ibig at sa Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth).

Sinabi ni Angara, sakaling maisabatas ang panukala, alalayan ng estado ang bagong graduate na makapagsimula ng kanilang career sa pinapasukang propesyon o negosyo.

Sa Senate Bill No. 3135 ni Angara, ang bagong graduate na miyembro ng SSS ay puwede nang makapag-salary loan na katumbas ng isang buwang suweldo. Sasagutin din ng Philhealth ang kanilang health at medikal na pangangailangan.

Maaari din silang makapag-apply ng housing loan, basta’t babayaran muna nila ang dalawang taong kontribusyon, kung saan sagot ng gobyerno ang isang taon na kontribusyon.

Sa panukala ng senador, isang “New College Incentive Card” ang ibibigay ng Department of Labor and Employment (Dole) na naglalaman ng mga insentibo at pribilihiyong makukuha ng bagong college graduate.

Upang lubusang mapakinabangan nila ang kanilang suweldo, magkakaroon din sila ng karagdagang P 10,000 personal exemption sa pagbabayad ng taunang income tax.

Itinulak ni Angara ang panukalang ito dahil batid nitong hirap ang mga bagong graduate na makapagsimula sa bagong mundong kanilang gagalawan matapos ang pag-aaral sa kolehiyo, kung saan kailangan nilang kumayod upang mapakinabangan ang kanilang pinag-aralan. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply