ALAM partylist rehistrado na sa Comelec

NAGHAIN na ng petition for registration sa Commission on Elections (Comelec) ang mga kinatawan ng Alab ng Mamamahayag (ALAM) party-list kaninang hapon.

Mismong sina NPC President Jerry Yap, chairman ng ALAM at Berteni ‘Toto’ Causing, pangulo ng ALAM ang nagtungo sa tanggapan dakong 4:00 ng hapon sa tanggapan ng Comelec upang ihain ang petisyon.

Gayunman, sa rami ng mga grupong naghahain ng petition for registration ay inabot na rin ng hanggang 5:30 ng hapon bago tuluyang naihain ang petisyon ng grupo.

Ayon kay Causing, kakatawanin nila ang mga m amamahayag sa bansa, gayundin ang maliliit na mamamayan at maging mga tribo at mga katutubo na ang 90% ay nasa bundok.

Layunin ng partylist na isulong ang pagkakaroon ng demokrasya sa pamamahayag upang mapigilan ang mga opisyal ng pamahalaan laban sa paggawa ng mga katiwalian, at magkaroon ng transparency at accountability sa gobyerno.

Kabilang sa mga nominado ng partylist na may motong “Walang demokrasya kung walang media,” ay sina (1) Yap, (2) Causing, (3) Benny Antiporda at ang (4) Prinsesa ng tribong Higaunon, na nakipagsanib puwersa sa mamamahayag dahil sa paniniwala sa kanilang layunin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply