Alanganing ipakita ang wetpaks!

DAPAT pala ay may butt  exposure si Aljur Abrenica sa ‘My Kontrabida Girl’ nila ni Rhian Ramos. Tinanggihan niyang gawin ito dahil nang isangguni niya raw ito sa kanyang mga magulang ay hindi pumayag ang mga ito.

“Actually sa totoo lang, sa una nahiya ako kasi nu’ng sinabi sa akin yun, na magkakaroon ng butt exposure, nag-alangan ako. Kumbaga yung instinct ko pinakiramdaman ko, nag-alangan ako pero pumapayag na ako, pumayag na ako nun. Pero hindi ko pa rin binalewala yung family ko. Tinanong ko yung dad ko, yung mom ko, yung mga kapatid ko, kung is it time?

“Tama lang ba o okay lang ba na ipakita rito (sa movie) yung behind ko? E sila yung tumanggi, sila yung nagsabi na huwag na muna so siyempre parents yun and minsan kailangan na… minsan tama talaga.”

Well, kung pumayag si Aljur sa butt exposure siguradong makatutulong yun para panoorin ang pelikula. Siyempre, marami ang nagpapantasya kay Aljur, di ba?

Samantala, posible bang magkagusto si Aljur sa isang babaeng mas matanda sa kanya?

“Yes,” ang sagot ni Aljur. “Ang age naman, number lang yan, e. Pag ang feelings mo ayan na, wala ka ng magaga- wa kahit mas bata pa yan o mas matanda. And yung past relationship ko is may mas matanda sa akin.”

Tsuk!

o0o

ISA si Jericho Rosales sa casts ng bagong serye ng ABS-CBN 2, ang Dahil Sa Pag-Ibig. Gumaganap siya rito bilang si Oliver Falcon. Sabi ni Echo, dapat daw panoorin ng lahat ang nasabing serye dahil talaga raw napakaganda ng istorya nito.

“Well, merong napakaimportanteng mensahe na ipakikita namin sa soap e. Makikita mo ‘yung mga characters, una sa lahat, unang beses naming magkakasama-sama nina Christopher, Piolo, Maricar at Cristine,” sabi ni Jericho.

Dagdag pa ng aktor, “Pangalawa may relation talaga ‘yung istorya namin dahil mga sensitibong bagay na mahirap sagutin sa buhay at sa lipunan, doon namin kumbaga, tina-tackle,”

Sa serye ay kontrabida ang role ni Jericho. Bakit siya pumayag na gumanap na kontrabida?

“Well, parang bida-kontrabida at maganda ang reason kung bakit naging kontrabida ang role ko rito. May mga ba- gay na hindi niya alam kung paano i-handle ang situation. Kumbaga, dumedepende siya sa emotions. So, parang ang sarap paglaruan at hindi boring ang role ko rito. Basta hindi naman ako kontrabida na walang rason. In the end, may redeeming factor,” paliwanag pa ni Echo.

o0o

KASAMA si Rafael Rosell sa Dahil Sa Pag-Ibig. Gumaganap siya rito bilang si Edson, anak ng Governor played by Bing Davao. May pagtingin siya kay Cristine na anak naman ng Mayor na ginagampanan ni Cristopher de Leon. Kontrabida siya  sa pagmamahalan nina Piolo at Cristine.

Natutuwa kami na nakasama sa serye si Rafael. Sa totoo, isa siya sa pinakamahuhusay na aktor na nasa panganga laga ng ABS-CBN 2 kaya dapat lang na lagi siyang nabibigyan ng project, di ba?

Huwag palagpasin ang Dahil sa Pag-Ibig gabi-gabi sa ABS-CBN 2 pagkatapos ng Walang Hanggan.

Napanood na namin ang one week episode nito and in fairness ang ganda ng serye at ang gagaling ng mga nagsisiganap dito.

o0o

HUMAKOT ng 23 parangal ang ABS-CBN Corporation sa kakatapos lang na 10th Gawad Tanglaw (Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw) sa University of Perpetual Help System-DALTA Auditorium sa Las Piñas City kung saan muling hinirang na Best TV station ang ABS-CBN at Best AM station naman ang DZMM.

Ginawaran din ng espesyal na pagkilala si ABS-CBN President Charo Santos-Concio ng Gawad Tanglaw sa Sining ng Telebisyon para sa kanyang kontribusyon sa Philippine TV industry.

Samantala, pinarangalan naman ang Kapamilya stars na sina Emilio Garcia, Coco Martin, Vilma Santos, Gina Pareño, Anita Linda, at Cherrie Pie Picache bilang mga Pinaka Kapuri-puring Artista ng Dekada.

Sa larangan ng pelikula, wagi ang Cinema One Original movie na Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay para sa Best Story.

Sa pagtatapos ng gabi, nakakuha ang Kapamilya Network ng 15 parangal, kabilang ang special award para kay Concio, habang ang AM radio station nito na DZMM Radyo Patrol 630 ay nanalo ng apat na parangal at 24/7 cable news channel na ABS-CBN News Channel (ANC) ay nag-uwi naman ng tatlo.

Isa naman ang nakuha ng cable movie channel ng ABS-CBN na Cinema One.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply