Alcano maugong laban kay Chang

NAKATAKDANG sumargo si WPA double world champion Ronato Alcano laban kay Chang Yu Long ng Taiwan sa pagpapatuloy ng Philippines vs Taiwan/China sa Philippine Bigtime Billiards Face Off Series sa PAGCOR Airport Casino sa Parañaque City, mamayang alas-9:00 ng gabi.

Inaasahang paborito sa laban ang tinaguriang “The Volcano” sa Philippine Billiards na si Alcano laban sa Taiwanese sa kanilang race-to-9, 10-ball winner’s break format.

Ang panalo ni Alcano ang magbibigay sa Pilipinas ng kalamangan laban sa mga dayuhan.

“Sana suwerihin tayo para makalamang ang Pilipinas.” ani Alcano. “Gagawin natin lahat para manalo.”

Tinumbok ni former world’s no. 1 palyer Francisco “Django” Bustamante si Taiwanese Yang Ching-shun, 9-3, noong Marso 24 para makatabla ang Pilipinas sa serye.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply