Alden ‘di pinagseselosan ni Enzo kay Louise

TALAGANG matatag na ang love team nina Alden Richards at Louise delos Reyes. Kahit sa Spooky Nights ay magkasama ang dalawa sa episode na Premonition. Pero kahit may love scenes ang dalawa, hindi raw nagseselos kay Alden si Enzo Pineda, ang pinaka-close na lalaki ngayon kay Louise.

Trabaho lang naman sina Alden at Louise, pero tanggap ng tao ang kanilang team up simula pa sa soap na Alakdana. Mag-love team din sila sa movies na Tween Academy at The Road ngayon sa soap na Legacy.

Sa Premonition episode bukas (Saturday, March 24), matagal nang may gusto si Alden bilang si Ringgo kay Louise (Donna). Kaya nang bumalik si Louise after four years na nag-aral sa kolehiyo, sinabihan ito ni Ringgo na umalis agad sa kanilang lugar dahil nag-iba na ang kalagayan doon at pinamumugaran na ng maling paniniwala.

May inaalalayan silang tao na binibigyan ng mga birheng babae. Kaya nang mataong si Donna na ang iaalay, gumawa ng paraan si Ringgo at mga magulang ni Donna. Nakaligtas ito at nagkatuluyan silang dalawa ni Ringgo.

000

HANGGANG pangarap lang ang pagreretiro ni Manny Pacquiao. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa raw niya nakakalaban ang pinaka-vocal na kalaban niya na si Floyd Mayweather Jr. na kung anu-anong pang-aasar ang pinagsasabi sa kanya.

Pati anak niyang panganay na si Jimwell ay sinabihan ang kanyang daddy na dapat labanan niya si Maywather bago magretiro.

Samantala, co-host ni Ninong si Bela Padilla sa Manny sa Manny Many Prizes bukas.

000

ARTISTA na talaga si Chef Boy Logro! Aba, first choice agad siya na makasama sa bagong programa ng GMA7 na weekly ipalalabas bilang isa sa mga lead star. Kitang-kita na naman sa kanyang malaganap na programa, ang Chef Master, na may natural talent siya sa acting. Mabilis mag-isip si Chef Logro ng mga pagpatawa habang nagluluto ng menu for the day.

Bukod pa rito, may followers na siya. Ang dati niyang 15-minuter program na Chef Master ay ginawa nang 30 minutes. Hindi pahahabain ang oras nito kung walang tumatangkilik na sponsors at advertisers.

Maraming mothers sa tahanan ang tuwang-tuwa sa pamamaraan ng kanyang pagluluto. Definitely, sa bagong programa niya ay maaari rin niyang magamit ang kanyang pagiging natural comedian.

000

SUPER busy raw sa bagong soap niya si Ellen Adarna kaya minsan ay nawawala siya bilang Bubblets sa pinakamatagal nang gag show na Bubble Gang. Paborito pa namang i-front sa mga gags si Ellen dahil super ganda niya sa screen bukod pa sa fresh-looking pala-palagi.

Kaya lang, sadya yatang may limitation ang tao sa kapaguran. Pero kapag may oras naman ay laging present siya sa hottest gag show ng bayan lalo na’t hinahana-hanap talaga siya ng mga televiewer.

Hindi ba’t naging top-notcher siya sa sales ng FHM noong January? Up to now, pinag-usapan talaga ang very revealing cover niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply