Aleli Arroyo tumanggap ng burial flag

ANG legal wife na si Alicia “Aleli” Arroyo ang tumanggap ng burial flag o watawat ng Pilipinas na simbolo ng pagiging lingkod bayan ni yumaong si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo na nailibing ngayong hapon sa Manila North Cemetery.

Ginawaran din ng 21-gun salute si Rep. Iggy ng mga honor guards mula sa Philippine National Police (PNP).

Nag-alay din ng awitin ang isa sa anak ng kongresista.

Nagbigay ng eulogy si Aleli at ginunita ang mga masasayang araw nila ng mambabatas.

Nakipaglibing ang mga kaibigan at kamag-anak ni Iggy na kinabibilangan nina Bernardina Arroyo-Tantoco, Bianca Arroyo at Alelu Arroyo.

Maging ang pamilya ni dating First Gentleman Mike Arroyo ay dumalo rin sa libing.

Si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo naman ay pinayagan ng Paay RTC na dumalo sa misa na ginanap sa La Vista, Quezon City bago ang libing ni Iggy.

Pagkatapos ng misa ay agad na bumalik ang dating Pangulo sa Veterans Memorial Medical Center kung saan siya naka-hospital arrest dahil sa kasong electoral sabotage.

Samantala, sumama sa libing ang live-in partner ni Iggy na si Grace Ibuna at ang anak nitong si Garrie Concepcion.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply