Aleli, Ibuna nagdedmahan sa Kamara

WALANG pansinan ang legal wife na si Aleli Arroyo at common-law wife na si Grace Ibuna sa necrological service ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa yumaong si Negros Occidental Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo kaninang umaga.

Si Aleli kasama ang anak ay nasa panig ng upuang nakalaan para sa pinakamalalapit na pamilya ng yumaong kongresista kung saan kabilang si dating First Gentleman Mike Arroyo at mga anak na kongresista na sina Mikey at Dato.

Si Ibuna ay umupo sa VIP gallery kasama ang kanyang mga magulang at anak kay Gabby Concepcion na si Garrie.

Ang misa ay pinamunuan ni Fr. Alex Balatbat ng Antipolo Archdiocese.

Kabilang sa mga nagsalita sa necrological service ay sina Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte, Minority Leader Danilo Suarez, Deputy Minority Leader Mitos Magsaysay, Rep. Jeffrey Vergel at Rep. Antonio Lagdameo.

Kapansin-pansin naman na mas maraming lumapit na mga congressman para makiramay kay Ibuna kaysa kay Aleli.

Pasado ala-una ng hapon ng ilabas ang labi ni Iggy sa Kamara na nakatakdang dalhin sa Bacolod para iburol doon ng isang araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply