Alternative energy ikakasa na vs oil price hike

TIWALA si Pangulong Noynoy Aquino na malalampasan na ng bansa ang sunod-sunod na pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay dahil puspusan na ang kanilang ginagawang paraan para maikasa na ang paggamit ng alternatibong enerhiya, partikular ang paggamit ng renewable energy.

Tumaas ng sunod-usnod na araw ang presyo ng gasolina nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa tumataas na presyuhan nito sa pandaigdigang merkado dala ng bangayan ng Iran at ilang bansa sa Middle East.

Kasunod nito, pinatutukan na ni PNoy sa National Economic Development Authority (NEDA) na tapusin ang pag-aaral sa e-tricycle program  kung saan imbes na gasolina, koryente na ang gagamitin ng mga tricycle.

Kabilang din sa nakikitang long-term solution ng Pangulo ang paggamit ng natural gas na mayaman ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalakas sa hydroelectric power plants.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply