Ama hinostage ang sariling anak sa Pasay

GINAWANG hostage ng isang ama ang kanyang sariling anak sa kanilang tahanan sa Pasay City.

Nabatid na sinubukan pang makipagnegosasyon ng Pasay City Police sa suspek ngunit nailigtas lang ito nang makatulog ang ama at makadaan sa bintana ang mga awtoridad na naganap sa Higgins St., Barangay 185 sa Maricaban, naturang lungsod.

Ayon kay Chief Inspector Joey Goforth, gamit ang night vision goggles (NVG) ay nakita niyang nakatulog ang ama hawak ang samurai habang nasa tabi nito ang bata.

Dahil nabuksan na aniya niya ang bintana at halos abot-kamay na lang ang kinatatayuan ng biktima ay pumasok na siya sa bahay at sinagip ang bata.

Dinaganan naman ng ibang pulis ang lasing na ama para tuluyan na itong maaresto.

Samantala, agad na dinala sa ospital ang bata kasama ang ina para sa physical examination habang iniulat na wala namang nasugatan sa insidente.

Nabatid sa misis ng suspek na wala hindi naman sila nag-away ng kaniyang asawang jeepney driver ngunit naglalasing na raw ito mula pa kagabi.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply