Ama kinatay dahil sa hiniram na bisikleta

ISANG lalaki ang pinagtulungang katayin ng tatlong suspek sa pamamagitan ng palakol dahil lamang sa nasirang bisekleta na hiniram ng anak ng biktima sa lalawigan ng Camarines Sur sa ulat ng pulisya ngayon.

Kinilala ng Camp Crame ang biktimang si Gilberto Berdero ng Barangay San Francisco sa bayan ng Canaman, ng nabangiot na lalawigan.

Naaresto naman ang mga msuspek na sina Jopse Romeno, 40; Rommel Bermundo, 23, ng nasabing lugar habang pinaghahanap pa ang isang kasamahan na si Rolando Bermundo, 35.

Lumalabas sa insiyal na pagsisiyasat na nagalit ang tatlong suspek na magkakamag-anak dahil lamang sa biskletang hiniram ng menor de edad na anak ng biktima na nang isoli ay may bahagyang sira na.

Dahi sa pangyayari, maging ang pamilya ng biktima ay saklot ng takot para sa kanilang kaligtasan matapos na masaksihan ang pananaga ng mga magkakamag-anak sa nasabing biktima.

Desidido naman ang pamilya Berdero na kasuhan ng murder ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply