Ama sinaksak ng anak, patay

NASAWI ang isang ama makaraang saksakin ng sariling anak dahil lamang sa hindi pagpayag na maibenta ang alagang kalabaw.

Kinilala ang biktima na si Juanito Juala, magsasaka at residente ng Brgy. Sarayan, Matalam, North Cotabato.

Nais umano ng suspek na si Ruben Juala na ibenta ng kanyang ama ang kanilang kalabaw subalit nagmatigas ang biktima na ikinagalit nito.

Hanggang sa humantong sa pananaksak at idinamay pa ang kanyang ina na nagtamo ng sugat sa noo.

Nahuli rin naman ang suspek makaraang magtangkang tumakas at kasalukuyang nakapiit sa Amas Provincial Jail sa Kidapawan City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply