Amasona na lider ng NPA nasakote sa Negros

NASAKOTE ng 47th Infantry Battalion ang misis ng notoryus na kumander ng rebelde sa Southern Negros.

Si Mary Jane Magkilat, alyas Chin-Chin, pangulo ng education bureau ng South West Front Committee ng Komiteng Rehiyonal-Negros ay nahuli sa Barangay Bantayan, Kabankalan City, Negros Occidental, Huwebes ng hapon, Marso 22.

Nadakip ang suspek nang rumesponde ang mga sundalo sa natanggap na impormasyon hinggil sa presensya nito sa lugar.

Si Magkilat ay itinuturong political officer ng SWFC Platoon 2 na pinamumunuan ng kanyang mister na si Reniel Cellon alias Kumpol.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply