Ambassadors kumikilos upang sagipin ang OFWs na nasa death row

KUMIKILOS na ngayon ang mga ambassador sa iba’t ibang panig ng mundo para mailigtas sa kamatayan ang mga overseas Filipino workers (OFW) na nasa death row, ayon sa Deparment of Foreign Affairs (DFA).

Sa kasalukuyang datos umakyat na sa 77 Pinoy warker sa abroad ang nasa death row.

Magugunitang apat na Pinoy worker sa China ang nabitay noong isang taon dahil sa kasong drug trafficking.

Ani Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, na sa kabila ng pag-apela ni Pangulong Benigno Aquino III sa mga lider ng China, natuloy pa rin ang pagbitay sa apat na Pinoy noong isang taon.

Kaugnay nito, sa nasabing bilang, 42 OFW ang nakakulong ngayon sa China dahil din sa drug charges.

Anim na Pinoy naman ang hinatulan ng death sentence sa Malaysia, at lima sa mga ito ay dahil rin sa iligal na droga.

Samantala, isang Pinay naman, na nakakulong sa Indonesia, ang nasa death row dahil sa parehong kaso.

May 27 Pinoy worker naman ang nasa death row sa Middle East, na karamihan ay dahil sa murder.

Isang Pinoy naman ang nasa death row sa Estados Unidos.

Hindi naman binanggit ni Hernandez kung kailan bibitayin ang mga nabanggit na Pinoy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply