Ambulansiya na susundo ng patay sumalpok, driver, 1 pa todas

PATAY ang driver ng ambulansiya at isa pang lalaki, habang tatlo pa nilang kasamahan ang nasugatan nang salpukin ang sinasakyan nilang ambulansiya sa Nueva Viscaya na susundo sana sa labi ng isang namatay sa Metro Manila, sa ulat ng pulisya.

Sa report, binabagtas ng ambulansiya ang kahabaan ng national highway sa Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya nang salpukin sila ng sumalubong na Toyota High Ace Van na minamaneho ni Warlito Bitantes ng Balwarte, sa Santiago City na nasawi rin sa sakuna.

Nabatid na ang ambulansiya na Besta van, pag-aari ng pamahalaang lokal ng Gamu, Isabela ay patungo sana sa Metro Maynila upang kunin ang bangkay ng kamag-anak ng isang pamilya na humingi ng tulong sa tanggapan ni Mayor Fernando Cumigad ng Gamu.

Sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na umagaw ng linya ang Toyota Hi-ace van at sumalpok sa kasalubong na ambulansiya

Dahil sa lakas ng impak, agad namatay ang tsuper ng ambulansiya na si Eddie Julian ng Gamu, Isabela habang nadala pa sa ospital si Bitantes kung saan na siya namatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply