Amo idinemanda, employee ikinulong sa opisina

IKINULONG ng may-ari ng Glomar Herbal Philippines Corporation (GHPC) ang isang trabahador matapos ireklamo ang kanilang kompanya ng illegal dismissal, underpayment of wages at paglabag sa labor standards.

Ayon kay Renato Ojascastro, siya at dalawa pang kasamahan ay idinitene ni Maribel Nepucpan, may-ari ng GHPC, at inakusahang nagnakaw ng P3,500.

Ani Ojascastro, limang pulis na nakasuot sibilyan ang umaresto sa kanya 8:30 kagabi sa kanilang bahay sa tapat ng GHPC gate, base sa  warrant of arrest kung saan inaakusahan si Ojascastro ng estafa sa Municipal Trial Court of Taytay dahil sa umano’y pagkawala ng cutting machine noong April 2011.

Ani Ojascastro, ginagantihan lamang siya ng kanilang boss dahil sa reklamo nila sa NLRC.

Kasamang nagreklamo ni Ojascastro sina Leopoldo Cortez Jr. at Roy Nepomuceno laban sa GHPC sa Department of Labor and Employment (DOLE) Rizal Provincial Office sa pamamagitan ng SENA (Single Entry Approach) noong September 29, 2011.

Batay sa kanilang reklamo, tinanggal sila sa trabaho ng ilegal, napakaliit ng sweldo at hindi pa binayaran ng 13th month pay, service incentive leaves at iba pang dapat bayaran.

Batay sa computation ng NLRC, aabot sa P525,000 ang kanilang masisingil.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply