Ampatuan Sr. humirit na mailipat ng pagamutan

HINILING ng kampo ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr. na mailipat siya ng pagamutan sa Medical City mula sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

Gayunman, sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology Director Rosendo Dial na kailangan muna nilang tingnan kung ano ang dahilan at kung bakit kailangan pang magpalipat ni Ampatuan Sr. ng pribadong ospital.

Magugunitang, isinugod sa Taguig- Pateros District Hospital si Ampatuan Sr. noong Biyernes (Marso 9) matapos magsuka ng dugo.

Batay sa pagsusuri ng mga doktor sa Taguig Hospital si Ampatuan Sr ay may pneumonia at diabetes.

Ayon kay Dial, nais ng doktor ni Ampatuan Sr na isailalim ito sa medical examination na tinatawag na 2d Echo kung kaya kailangan itong ilipat sa Medical City.

Ikinatuwiran naman ni Dial, na may sapat namang kagamitan ang V. Luna Hospital na kaya ring magsagawa ng 2d echo examinations.

Aminado si Dial na mahirap para sa kanilang hanay na bantayan si Ampatuan Sr. kung ililipat ito sa isang pribadong ospital dahil magiging limitado na aniya ang kanilang galaw kumpara sa pampublikong ospital na maaari nilang sakupin ang isang buong area.

Si Ampatuan Sr, ang itinuturong pangunahing suspek sa Maguindanao massacre kung saan namatay ang 58 katao kabilang ang mahigit 30 mamamahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply