Ampatuan Sr. isinugod sa ospital

ISINUGOD sa Taguig Pateros Hospital si dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr., iniulat ngayon lamang.

Ayon sa ulat, dakong ala-una ng hapon ng sumuka ng dugo si Ampatuan Sr. kaya agad na isinugod sa nasabing pagamutan.

Limang pulis naman ang itinalaga ng Philippine National Police sa nasabing pagamutan para sa seguridad ni Ampatuan.

Si Ampatuan Sr. ay nakapiit sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, na sinasabing utak sa Maguindanao massacre kung saan pinaslang ang 58 katao kabilang ang mahigit 30 mamamahayag.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply