Amyendahan o buwagin na lang ang EPIRA

PURO kabiguan na lang ang dinaranas ni Juan sa mga programang pribatisasyon ng pamahalaan.

Unang kabiguan ang pribatisasyon ng industriya sa langis sa pamamagitan ng Oil Deregulation Law.

Sa pribatisasyon dito, ibinenta ang Petron, kasama ang refinery at mga istasyon nito, saka ipinasakamay nang lubos ang pagpepresyo ng langis sa lahat ng mga kompanya ng langis.

Pagkatapos nito, iskay is da limit na ang presyo ng petrolyo.

Baligtad ang nagaganap sa ipinagmamalaki ng gobyerno noon na kapag umiral na ang Oil Deregulation Law, magmumura na ang mga produktong petrolyo.

oOo

Ganito rin ang istori sa pribatisasyon ng kuryente sa pamamagitan ng Electric Power Industry Reform Act.

Iprinamis ng gobyerno noon na kapag umiral na ang EPIRA, magmumura na ang kuryente.

Kaya ipinagbebenta ang halos lahat ng planta ng kuryente at ang buong kawad ng kuryente ng National Power Corporation at hawak na ngayon ng mga pribadong kompanya.

Ano ang nangyari?

Iskay is da limit na rin ang presyo ng kuryente.

Sa Mindanao nga ngayon na medyo mura ang kuryente dahil galing ito sa mga plantang dam na pag-aari pa ng gobyerno, nagka-kablakawt-blakawt.

Suspetsa ng mga tagaroon, sinasadya ang blakawt para mapilitan na ang gobyerno na ibenta ang mga nasabing planta.

Sa kamay lang umano ng mga pribadong kompanya magiging mura ang kuryente at maaasahan ang kumpletong suplay.

Pero pansamantala, ginagawa ang blakawt para kumita na nang husto ang mga kompanya ng kuryente sa pagsasabing kung gusto ng mga tagaroon na walang blakawt, kailangan nilang magbayad nang mahal.

oOo

O PNoy, puwede ba, itigil n’yo muna ang pagkalulong n’yo sa impitsmen na yan.

Matanggal man sa puwesto o maipakulong ninyo si Mang Atong Corona, wae-pek yan sa problema sa blakawt sa Mindanao.

Asikasuhin muna ninyo ang mga problemang ito bago kayo magpakalunod sa impitsmen na yan, noh!

Plis lang. Nahihirapan na ang lahi ni Juan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply